Home METRO DA, DTI nagsagawa ng price monitoring sa Mega Q-Mart sa papalapit na...

DA, DTI nagsagawa ng price monitoring sa Mega Q-Mart sa papalapit na Kapasukuhan

308
0

QUEZON CITY, Philippines – Pinangunahan ni Department of Agriculture Assistant Secretary Genevieve Guevarra, kasama ang mga opisyal ng DA at Department of Trade and Industry (DTI), ang isang joint price at supply monitoring activity sa Mega Q-Mart sa Quezon City nitong Disyembre 16, 2025.

Layunin ng aktibidad na masiguro na sumusunod ang mga vendors sa suggested retail prices (SRPs) ng kanilang mga produkto, lalo na ngayong papalapit ang mas maraming mamimili dahil sa holiday season.

Ito ay bahagi ng pagsusumikap ng gobyerno na protektahan ang mga konsyumer at maiwasan ang sobrang pagtaas ng presyo sa pamilihan. Danny Querubin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here