MANILA, Philippines – Isa pang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsaoli ng limpak-limpak na salapi sa Department of Justice (DOJ) ngayong Martes ng hapon.
Tinatayang aabot sa P40 milyong kickback ang ipinrisinta sa media mula kay dating DPWH-NCR Regional Director Gerard Opulencia.
Ang nasabing halaga ay bahagi ng restitution process sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP).
Ayon kay Acting Justice Secretary Frederick Vida, ang P40 milyon ay bahagi pa lamang ng P150 milyong halagang nakatakdang isauli ni Opulencia.
Nakuha umano ang nasabing halaga ni Opulencia mula sa iba’t ibang proyekto at inaasahang makatutulong sa pagpapatibay ng kaso ng DOJ.
Kasalukuyang provisionally admitted sa WPP ng DOJ si Opulencua at isa sa mga respondent sa mga reklamong inihain sa DOJ kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control project sa Bulacan.
Nakatakdang isauli sa National Treasury ang nasabing pondo upang mapakinabangan ng taumbayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden