Home TOP STORIES Filipino voice actor Jeff Utanes pumanaw sa edad na 46

Filipino voice actor Jeff Utanes pumanaw sa edad na 46

359
0

MANILA, Philippines – Pumanaw sa edad na 46 ngayong Martes, Disyembre 16 ang isang kilalang voice actor na si Jeff Utanes, iniwan niya ang isang hindi matatawarang pamana sa industriya ng voice acting.

Sa mundo ng anime at dubbing sa Pilipinas, kilala si Utanes bilang Tagalog na boses ni Goku sa Dragon Ball, isang papel na nagdala ng saya at inspirasyon sa maraming henerasyon ng lokal na anime fans. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kanyang impluwensya. Siya rin ang boses sa likod ng mga paboritong karakter tulad nina Kogoro Mouri sa Detective Conan, Doraemon, Mr. Krabs sa SpongeBob SquarePants, Mickey Mouse, Shrek, James sa Pokémon, Syaoran Li sa Cardcaptor Sakura, Hisoka sa Hunter × Hunter, at Roy Mustang sa Fullmetal Alchemist: Brotherhood.

Bukod sa anime, namayagpag din ang kanyang talento sa mga infomercials at voice-overs para sa It’s Showtime, na nagpapatunay sa kanyang kakayahang bigyang-buhay ang iba’t ibang uri ng karakter at mensahe.

Sa kanyang pagpanaw, iniwan ni Jeff Utanes ang isang alaala na mananatili sa puso ng mga tagahanga at sa mundo ng dubbing sa Pilipinas. Sa bawat karakter na binigyang-buhay niya, mananatili ang kanyang tinig. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here