MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng Maritime Industry Authority o MARINA na may direktang benepisyo at epekto sa kaligtasan, karapatan at kapakanan ng mga pasahero ang pakikilahok ng Pilipinas sa International Maritime Organization o IMO lalo na sa operasyon ng sea ferries sa bansa.
Sa year-end press conference ng MARINA, sinabi ni Administrator Sonia Malaluan na mahalaga ang presensya ng Pilipinas sa IMO upang maibahagi ang lokal na perspektiba sa pagbalangkas ng international safety standards, partikular sa ilalim ng STCW Convention, na hindi basta kinokopya kundi inaangkop sa pambansang kalagayan.
Nilinaw ng opisyal na bagama’t hindi ganap na maiiwasan ang mga insidente sa dagat, layon ng mga reporma sa training at preparedness na maiwasan ang mga nasasawi, sa pamamagitan ng mas mahusay na kakayahan ng mga opisyal at crew na tumugon sa mga emerhensiya, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Malaluan, nakapaghain ang Pilipinas ng siyam na panukala sa IMO, kabilang ang mga reporma sa onboard training requirements, na sinuportahan ng iba’t ibang member states—na nagpapataas ng tsansang ma-adopt ang mga hakbang para sa mas ligtas na maritime operations sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden