Home NATIONWIDE Tip sa PNP facebook, public vigilance susi sa pagsagip; 5 timbog sa...

Tip sa PNP facebook, public vigilance susi sa pagsagip; 5 timbog sa kidnapping

293
0

MANILA, Philippines – Vigilance ang naging susi sa pagliligtas ng isang Chinese kidnap victim sa Parañaque City nitong nagdaang araw.

Sa tip na ipinarating ng concerned citizen sa Facebook ng Parañaque City Police, nailigtas ang 26-year old na Chinese national sa kidnap-for-ransom case sa operation sa Parañaque City nitong Sabado.

Pinapurihan ni Police Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., acting chief of Philippine National Police (PNP), ang operating policemen, sa matagumpay na operation ng policy reforms ng PNP organization sa quick police response.

Ang biktima ay nailigtas mula sa mga kidnapper sa Room A1911, sa Marina Seaview Residence Parañaque.

Ayon naman kay Police Maj. Gen. Anthony A. Aberin, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang biktima ay natagpuan kasama ng limang foreign suspects na kinabibilangan ng isang babae.

Sinabi pa ni MGen Aberin na ang biktima ay idenitina simula Dec. 9, at nakabigay na ng ₱1 million para sa kanyang kalayaan, at naghihintay na lamang ng balanse ang limang kidnapping suspects.

“The victim disclosed that ₱500,000 had already been handed over.”

Tiniyak ni MGen Aberin na ang lahat ng suspek ay nasa ilalim ng police custody para sa kaukulang tamang proseso at imbestigasyon.

Nakikipag ugnayan na ngayon ang pulisya sa Chinese Embassy para sa tuluyang kaligtasan ng biktima. (Dave Baluyot M)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here