Home NATIONWIDE 130 container van ng balikbayan boxes, ipinababalik na ni PBBM sa mga...

130 container van ng balikbayan boxes, ipinababalik na ni PBBM sa mga may-ari nito

329
0

MANILA, Philippines – Sinisimulan na ng Bureau of Customs (BoC) ang proseso upang maibalik ang isang daan at tatlumpung (130) abandonadong container van ng balikbayan boxes sa mga nagmamay-ari nito.

Ito ang ibinalita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang naging talumpati sa isinagawang paglulunsad ng bagong pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 at The 2025 Ppresidential Pamaskong Salubong para sa mga Bagong Bayani ng Bansa, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Terminal 3, City of Pasay, araw ng Martes.

“Ang nangyari po rito ay nagpadala po ang ating OFW ng balikbayan box, inuwi dito sa Pilipinas, ‘yun naman – ‘yung mga nagdala, hindi naman binayaran ang mga – ang mga dapat bayaran dito sa Pilipinas. Kaya eh nandoon, nakatiwangwang lang ‘yung mga balikbayan box for almost – ‘yung iba magwa-one year na, nandoon lang sa Bureau of Customs, ngayon sinimulan na natin ang pagbibigay at ipagbabalik. Dahil hindi naman pagmamay-ari ng pamahalaan ‘yan. Pagmamay-ari ‘yan ng ating mga OFW. Kaya’t starting today, ire-release na natin,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na humigit-kumulang ay 130, 000 balikbayan boxes na nakatengga lang sa BoC, nag-aantay, hindi alam ang gagawin. Now, we will send them back to their owners,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

“Pipilitin natin – ‘yung mga iba rito, pinadala para pang Christmas gift noong nakaraang taon, kaya’t sa wakas eh pipilitin natin matanggap naman nila ito bago dumating naman ang Pasko,” ang sinabi nito.

Winika ng Pangulo na sinasalamin ng mga repormang ito ang kayang gawin ng gobyerno. Ito’y kung patuloy na magtutulungan ang pamahalaan, ang pribadong sektor at sa – para sa pagpapabuti ng ating serbisyo para sa mga Pilipino.

“May these efforts inspire deeper collaboration among stakeholder,  stronger institutions across all sectors, and developments that place people at the center of governance,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here