MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang overseas Filipino worker (OFW) na pinrotektahan ang tatlong buwang gulang na bata na kanyang inaalagaan nang mangyari ang napakalaking sunog na tumama sa high-rise residential complex sa Hong Kong.
Sa isinagawang paglulunsad ng mga amenities sa NAIA Terminal 3, binanggit ni Pangulong Marcos na nakilala niya angĀ domestic helper Rhodora Alcaraz, na nakulong sa isang smoke-filled room kasama ang baby sa loob ng ilang oras sa panahon ng fire incident noong nakaraang buwan.
”Sa kabila ng panganib na kanyang hinarap ay pinili niyang iligtas ang sanggol na kanyang inaalagaan. Pinapakita nito ang likas na malasakit ng Pilipino sa kanyang kapwa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang mensahe.
Ang mga kinatawan mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Hong Kong, Philippine Consulate General, Department of Migrant Workers, at Migrant Workers Office ay binisita si Alcaraz sa ospital nang sumailalim siya sa medical treatment.
Binisita rin ng OWWA Regional Office ang kanyang pamilya sa Pilipinas upang matiyak ang tulong para sa kanila.
Ang Philippine Consulate General sa Hong Kong ay nagsabi na may 89 Filipino ay ligtas at ‘accounted for’ sa gitna ng sunog.
Gayunman, sinabi nito na may isang OFW ang pumanaw sa pinakanakamamatay na sunog na tumama sa Hong Kong sa loob ng 10 taon. (KRIS JOSE)