Home HOME BANNER STORY Pag-atake ng CCG sa WPS kinondena sa protesta sa Chinese Embassy

Pag-atake ng CCG sa WPS kinondena sa protesta sa Chinese Embassy

400
0

MAKATI CITY, Philippines – Nagsagawa ng isang lightning rally ang iba’t ibang makabayang grupo sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati City nitong Disyembre 16, 2025 bilang pagtutol sa paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard laban sa mga mangingisdang Pilipino sa paligid ng Escoda Shoal sa West Philippine Sea.

Pinangunahan ng FDNY Movement, ALAB, at Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) ang protesta, kung saan isinagawa ang mga simbolikong kilos tulad ng pagwasak sa effigy ng barko ng Chinese Coast Guard, pagpunit ng kartong bandila ng Tsina, at die-in protest upang ipakita ang panganib sa buhay at kabuhayan ng mga mangingisda.

Iginiit ng mga grupo na ang insidente ay paglabag sa karapatang pantao at internasyonal na batas pandagat, kung saan binigyang-diin nila na ang Escoda Shoal ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Nanawagan sila sa pamahalaan at pandaigdigang komunidad na ipagtanggol ang soberanya ng bansa at protektahan ang mga mangingisdang Pilipino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here