Home ENTERTAINMENT Heart, binatikos sa pagiging ‘insensitive’!

Heart, binatikos sa pagiging ‘insensitive’!

318
0

Manila, Philippines – Kung tutuusin, may katwirang umalma ang iba nating mga kababayan kapag nakikita na rumarampa si Heart Evangelista, suot ang mga mamahalin niyang branded stuff.

Lalo pang nanggigigil ang mga kababayan natin sa tinuran ni Heart na gagawin daw niya ang kanyang gustong gawin at walang makakapigil sa kanya.

Okey lang naman daw ‘yon dahil kilala namang influencer ang misis ni Senate President Chiz Escudero.

”’Yun na nga ang point doon, eh!” paliwanag ng isang netizen.

Mabuti-buti raw sana kung hindi isang public servant ang asawa ni Heart.

Anila, out of the question ang halaga ng mga mamahaling gamit ni Heart na hindi naman galing sa kabang-yaman ng pamahalaan.

“But being the wife of a senator, can’t Heart be a little more sensitive?!” seryosong sabi pa ng isang netizen.

Hindi raw ba aware si Heart na “food poor” ang ating bansa?

Hindi rin daw ba maaaring magsuot o gumamit man lang siya ng local products na mataas din ang kalidad, thus promoting our own?

Konting sensitivity lang daw ang hinihingi nila kay Heart lalo pa’t in hot water din si Chiz ngayon.

Hirit pa ng isang netizen: “It’s already an ostentacious display of wealth…does Heart know thay?!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here