Manila, Philippines – Ang “AngBeKi” ay portmanteau o pinaikling collective name which refers to showbiz friends na sina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu.
Visible lately si Angelica, samantalang in the news naman si Kim.
As already known to the public, mayisyusa pagitan ni Kim at ng kanyang ate na si Lakambini.
Bilang kaibigan, nahingan ng reaksyon si Angelica.
In the first place daw ay hindi niya ito laban.
Even as friends, hindi raw nila naging ugali na agad magtawagan pag may problema.
Giit niya: “Hindi ko alam kung kailangan niya ng tulong o support.
“Baka pag tumawag ako, sabihin pang nakikitsismis ako!”
But playing safe: “Hindi naman kasi natin alam kung ano ang pinagdadaanan niya. Like ako, hindi ko alam kung strong siya.”
Dagdag niya, mas makakabuti daw na huwag muna tayong humusga agad-agad.
Gayunpaman, bilang kaibigan ay alam naman daw ni Kim na nariyan lang siya–sila ni Bela–for her.
Tulad nga ng alam ng lahat, sinampahan na ni Kim ng kaukulang demanda ang kanyang Ate Lakam–particularly qualified theft.
“Let the court judge, huwag tayo.
Pero I hope na magkaayos silang magkapatid,” ani Angelica who’d rather not involve herself lalo’t tiwala daw siya kay Kim who knows what she’s doing and what’s best for her in dealing with the problem.
Kunsabagay, close friends can only do so much. Ronnie Carrasco III