Home OPINION MAYNILAD, MANILA WATER MAGPATUTUPAD NG BAGONG WATER RATE

MAYNILAD, MANILA WATER MAGPATUTUPAD NG BAGONG WATER RATE

322
0

INANUNSYO nitong Disyembre 15, 2025 ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System – Regulatory Office (MWSS-RO) ang panibagong water rate adjustment para sa Manila Water Com­pany Incorporated at Maynilad Water Services Incorporated, na ipatu­tupad sa papasok na Enero 2026.

Paliwanag ng MWSS-RO, ang nakatakdang pagtaas ng si­ngil ay pangunahing ibabatay sa foreign currency differential ad­justment (FCDA) na isang mekanismo na sumasalamin sa pagkalugi o kita ng mga water concessionaire dahil sa pagbabago ng halaga ng piso laban sa dolyar at iba pang dayuhang salapi, lalo na sa pagbabayad ng kanilang mga pautang.

Kasama rin sa rate adjustment ang tinatawag na rate rebasing tranches, o ang pana- panahong pagsasaayos ng singil upang isaalang-alang ang pagtaas ng gastusin sa operasyon, pamumuhunan sa imprastraktura, at iba pang obligasyon sa pagpapabuti ng serbisyo.

Sa mga kumokonsumo ng regular sa Manila Water, magkakaroon ng mga pagtaas na:
– 10 cubic meters, mula sa kasalukuyang Php254.00 ay magiging Php 284.00.
– 20 cubic meters, Php561.00 na magiging Php628.00.
– 30 cubic meters, Php 1,144.00 patungong Php1,280.00.

Habang sa Maynilad naman:
– 10 cubic meters, mula Php 182.00 ay magiging Php 187.00.
– 20 cubic meters, Php684.00 na magiging Php703.00.
– 30 cubic meters, Php1,398.00 patungong Php1,437.00.

Ito na ang ika-apat sa limang beses na pagtataas ng singil ng dalawang water concessionaire na matatapos sa January 2027.

Sinasagot kasi ng mga konsyumer ang capital expenditu­res ng mga kompanya kung saan nasa 75 billion na ang nagastos ng Maynilad habang nasa Php48.5 billion naman ang Manila Water.

Kasabay ng nalalapit na pagtaas ng singil, muling hinikayat ng MWSS-RO ang mga kwalipikadong kabahayan na mag-apply sa Enhanced Lifeline Prog­ram (ELP) ng Manila Water at May­nilad.

Ang ELP na inilunsad noong Enero 2025, ay para sa mga be­nepisyaryo ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) at iba pang kuwalipikadong konsyu­mer na gumagamit ng hanggang 20 cubic meters ng tubig kada buwan. Saklaw nito ang exemption sa FCDA charges, at mas mababang singil sa tubig.

Ang Maynilad, na kontrolado ng Metro Pacific Investments Corporation ay nagseserbisyo sa west zone ng Metro Manila, kabilang ang Maynila, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at bahagi ng Quezon city at Cavite.

Samantalang ang Manila Wa­ter, na ngayon ay nasa ilalim ng Trident Water Holdings na negosyanteng si Enrique Razon, ay nagsusuplay ng tubig sa east zone, kabilang ang Mandalu­yong, Marikina, Pasig, Pateros, Taguig, San Juan, karamihan ng Quezon City, at ilang bayan sa Rizal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here