Home OPINION TERORISMO BANTAYAN NGAYONG KAPASKUHAN

TERORISMO BANTAYAN NGAYONG KAPASKUHAN

255
0

MAKARAAN ang Bondi Beach massacre sa Sydney, Australia nitong Disyembre 16, 2025, dapat magbantay-bantay rin ang mga Filipino sa bansa baka may gagawa rin ng ganitong maramihang pagpatay.

Ito’y dahil sa pagkakaugnay sa Pilipinas ng mag-amang terorista na pumatay ng 15 katao at sumugat sa mahigit 40 iba pa sa Australia.

‘Yun bang === makaraang dumating sa Pilipinas sina Sajid (ama) at Naveed (anak) Akram noong Nobyembre 1, 2025 at umalis sila patungong Australia noong Nobyembre 28, 2025, dito na nila isinagawa ang pagmasaker na kanilang itinaon nitong Disyembre 16, 2025.

Tinarget ng mag-amang Akram ang mga Hudyo habang nagsasaya ang mga ito sa kapiyestahan ng Hanuka o 8 araw na “rededication” ng Ikalawang Templo sa Jerusalem, Israel.

Disyembre 16 hanggang Disyembre 24 naman taon-taon tayo nagde-dedicate ng pagpapahalaga sa kapanganakan ni Jesus bilang Diyos-Anak.

ANG MAG-AMA

Parehong Indian-Australian sina Sajid at Naveed.

Nang dumating sila sa Pinas bilang turista, dala-dala ni Sajid ang India passport habang si Naveed, Australia passport.

Sa record ng ating Bureau of Immigration, makaraang lumapag ang mag-ama sa Manila International Airport, dumiretso na sila sa Mindanao, sa pamamagitan ng paglapag sa Davao International Airport.

Makaraan nito, wala nang nakaaalam pa kung sila nagpunta hanggang sa umalis ang mga ito mula sa Davao airport, lumapag sa NAIA at umuwi na sa Australia.

Subalit para sa pamahalaang Australia, nagkaroon ng training ang mag-ama bilang mga terorista sa Mindanao na roon matatagpuan ang mga teroristang Maute at iba pa.

Kung ano ang totoo, inaalam pa ng ating mga awtoridad ngunit tiyak na tuloy-tuloy sila sa pangangalap ng impormasyon dito.

Lalo’t itinuring nang terorista ang mag-ama at may mga terorista naman talaga na nakabase sa Pinas kahit pa natalo sila sa 6-buwang giyera sa Marawi City sa panahon ni dating Pangulong Digong Duterte.

Namatay si Sajid sa mismong lugar ng massacre sa pakikipaglaban nito sa mga pulis habang nasugatan at nagpapagaling pa sa ospital si Naveed.

MAGBANTAY AT MAGBANTAY

Kung totoo ang sinasabi ng mga dayuhan na nakipag-ugnayan sina Akram sa mga terorista sa Pilipinas at nag-training pa kung paano maminsala sa mga Hudyo sa Australia na kaaway ng mga teroristang Islamist, aba, dapat tayong maghanda lahat sa Pilipinas.

Kung paano isinagawa ng mga Islamist na nina Akram ang masaker sa Australia sa mga araw ng piyesta ng mga Hudyo o Israelita, maaaring gawin din ito ng mga kaanib nila sa Pilipinas.

At laban naman sa mga Kristiyano na nagsimula nang magkaroon ng Simbang Gabi at matatapos ang buong Kapaskuhan sa araw ng Tatlong Mago o Hari sa Enero 2026.

May Traslacion pa sa Enero 9, 2026 na dinadaluhan ng milyong deboto.

Bilang paghahanda sa mga okasyong ito, pinakamainam ang paghahanda na may mga pagbabantay.

Pero dapat na hindi lang ang mga pulis ni Police chief Melencio Nartatez at mga sundalo ang magbantay.

Dapat ding maging matalas ang mga mata at pakiramdam ng mga mamamayan laban sa mga terorista.

Maaaring hindi nating mapigilan ang lahat na pangyayari subalit mabawasan ang lagim na dala-dala at pinaiiral ng mga terorista kung magtutulungan tayo lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here