Home METRO PNP nagsagawa ng walkthrough sa rota ng Traslasyon

PNP nagsagawa ng walkthrough sa rota ng Traslasyon

321
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Philippine National Police (PNP) ng walkthrough sa mga kalye ng Quiapo, Maynila para sa paghahanda sa Nazareno 2026 na gaganapin sa Enero 9.

Mga 14,000 pulis ang ide-deploy mula Quirino Grandstand hanggang Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Lt. Gen. Edgar Alan Okubo, natukoy sa inspeksyon ang mga lugar na kailangang linisin, tulad ng mga sagabal sa kalsada at halaman, pati na rin ang posibleng dagdag na tauhan.

Binanggit ni ERIC Managing Director Bong Grajo na dapat mapanatili ang kabanalan ng prusisyon, at ito ay gawaing ispiritwal, hindi parada.

Pinayuhan ang mga deboto na sumunod sa alituntunin ng PNP at simbahan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here