Home ENTERTAINMENT Catriona, walang kapaguran, nag-repack ng pamaskong handog!

Catriona, walang kapaguran, nag-repack ng pamaskong handog!

304
0

Manila, Philippines – Pansamantalang naging ordinaryong mamamayan si Miss Universe 2018 Catriona Gray as she took part in Angat Buhay’s repacking dubbed as Pamaskong Handog: Reverse Caroling initiative.

Kasama ni Cat ang llang volunteers na walang kapagurang nagre-repack ng mga relief goods para i-load sa truck.

Ang activity na ‘yon ay nagsimula mula umaga hanggang gabi.

Layunin ng proyektong ‘yon na makapaghatid ng ayuda partikular sa mga kababayan nating nasalanta ng mga nagdaang kalamidad.

Nagpapasalamat ang Angat Buhay sa mga partners nito, donors at volunteer organizations sa katuparan ng naturang aktibidad.

Ang Angat Buhay ay itinatag ni dating Vice President Leni Robredo bilang isang volunteer-driven NGO na nagpopokus sa edukasyon, kalusugan, disaster relief at community development.

In Catriona’s case, she has long been using her platform geared towards education, women’s rights and disaster response in cooperation with Angat Buhay.

Magugunitang nakibahagi si Cat sa Trillion Peso March as she spoke about corruption.

Not only is Cat an epitome of beauty, purposeful din ang kanyang pagiging isang beauty queen beyond her reign.

Talbog! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here