Home OPINION HUWAG SANA MULI ‘ITENGGA’ NG SENADO

HUWAG SANA MULI ‘ITENGGA’ NG SENADO

263
0

SA KABILA ng mga intriga at pagkadawit sa mga kontrobersiya, “gusto ko happy ka” pa rin si Surigao del Sur First District Rep. Romeo Momo, Chairman, House Committee on Public Works and Highways.

Dangan kasi, nakapasa na sa Kongreso ang kanyang HB 6615, ang panukalang ‘Philippine Building Act’ na babago at mag-aamyenda sa PD 1096 o ang ‘National Building Code’ na sadyang dapat nang palitan dahil inilabas ito noon pang 1977— 48 taon na ang nakaraan.

Isa sa magandang layunin ng panukala ni Cong. Momo ay ihanda ang bansa at ating mga istruktura sa pinangangambahan na ‘Big One,’ ang “super-lakas” na lindol na “yumanig” na sa ilang bansa: Turkey (2023, higit 50,000 patay), Haiti (2010, higit 200,000 patay) at nitong Setyembre, ang lindol sa Cebu (73 patay, higit 20,000 katao ang nagsilikas).

Sa pag-aaral, sinabi ng mambabatas, “kung” sa NCR tatama ang Big One, higit 170,000 kabahayan ang agad magigiba at higit 34,000 katao ang agad matitigok. Aabot naman sa higit P2.5 trilyon ang halaga ng mga masisirang ari-arian.

Sa ganitong senaryo, hindi malayo na tuluyan nang “malumpo” ang ating ekonomiya at sumiklab ang ‘riots’ at ‘lootings’ na hahantong sa deklarasyon ng batas militar para lang makontrol ang sitwasyon.

Kulang ang pahina para maidetalye natin ang magagandang probisyon ng panukala ni Momo na alam nating pinag-aralang mabuti at abot ng kanyang kakayahan at karanasan.

Dangan nga kasi, isang certified civil engineer, dating pangulo ng ‘PICE’ (Philippine Institute of Civil Engineers) at dating undersecretary for operation sa Department of Public Works and Highways itong kongresistang mula sa Mindanao, olrayt!

Sapat nang sabihin na sa ngayon, ‘the ball is out of the hands of Momo and Congress,’ wika nga.

Bagkus, nasa “kamay” na ito ngayon ng Senado. Ang “problema” nga lang, “seryoso” rin ba ang Senado na maisabatas ang HB 6615, ‘this time around?’

Sa nakaraang Kongreso kasi, Agosto 2023 pa naipadala ang katulad na panukala, pero “natengga” lang kaya hindi naisabatas, tama ba Senate President Tito Sotto?

Abah, “galaw-galaw” naman kayo d’yan sa Senado, mga bossing.

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here