Home METRO Viral mandurukot sa LRT, arestado

Viral mandurukot sa LRT, arestado

255
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng Pasay City Police ang isa pang suspek na konektado sa viral TikTok video ng umano’y pickpocketing sa LRT station.

Kinilala ang suspek na si alias “Lito,” 26, na itinuturing na street-level individual (SLI).

Nahuli siya sa LRT Line 1 Taft Avenue Station matapos nakawan ang isang babaeng pasahero noong December 18.

Ayon sa police, habang naglalakad ang biktimang si “Sara,” residente ng Imus, Cavite, sa connecting bridge mula LRT-1 Taft Station papuntang MRT-3 EDSA, napansin niyang mas mabigat ang kanyang backpack.

Nang tingnan niya ito, nawala ang kanyang wallet na may cash at ID.

Napansin niyang nandoon ang suspek sa likod niya at agad itong tumakas.

Dahil sa agarang tulong ng security guard, naaresto si Lito at narekober ang wallet ng biktima, isang improvised firearm, at 5.4 gramo ng umano’y ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P36,720.

Lumabas na tumutugma ang hitsura at suot ng suspek sa viral TikTok video noong Dec. 14 sa Buendia–Taft LRT area.

Kinasuhan si Lito ng theft, paglabag sa Republic Act 10591 (Firearms Law), at paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Law). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here