Home NATIONWIDE US naglaan ng $2.5-B tulong pang-seguridad sa PH

US naglaan ng $2.5-B tulong pang-seguridad sa PH

281
0

MANILA, Philippines – Pinasa ng mga mambabatas sa US ang batas na maglalaan ng $2.5 bilyon na security assistance sa Pilipinas. Ang Philippines Enhanced Resilience Act (PERA Act), na inihain nina Senators Bill Hagerty at Tim Kaine, ay nakabinbin na lamang sa paglagda ni Pangulong Donald Trump.

Kapag naging batas, magbibigay ito ng hanggang $500 milyon kada taon mula 2026 hanggang 2030 bilang Foreign Military Financing (FMF) grant assistance, na aabot sa kabuuang $2.5 bilyon sa loob ng limang taon. Layunin ng batas na palakasin at modernisahin ang kakayahan ng depensa ng Pilipinas at patatagin ang ugnayan sa seguridad ng dalawang bansa, lalo na sa harap ng mga hamon sa West Philippines Sea at Indo-Pacific.

Ayon sa batas, ang US Secretary of State, kasama ang Defense Secretary at iba pang opisyal, ay magsusumite ng taunang ulat sa Kongreso tungkol sa pagpapalakas ng depensa ng Pilipinas. Saklaw nito ang modernisasyon sa coastal defense, long-range fires, integrated air defenses, maritime security, manned at unmanned aerial systems, ground mobility vehicles, intelligence, cybersecurity, at iba pang kakayahang depensa.

Ang batas ay bahagi ng mas malawak na National Defense Authorization Act (NDAA) ng US, na nagpapahintulot sa Pentagon na gumastos ng $900 bilyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here