Home METRO P17.7-M ilegal na droga nasabat sa Ilocos sa loob ng isang linggo

P17.7-M ilegal na droga nasabat sa Ilocos sa loob ng isang linggo

260
0

ILOCOS, Philippines – Nakumpiska ng Police Regional Office (PRO) 1 sa Ilocos ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng PHP17.7 milyon mula December 11 hanggang 17 sa iba’t ibang operasyon sa rehiyon. Ayon kay Maj. Divina Albino, sa 27 anti-illegal drugs operations ay naaresto ang 26 na suspek at nakumpiska ang 110.30 gramo ng shabu at 14.08 gramo ng marijuana.

Sa Ilocos Sur, anim na operasyon ang isinagawa na nagresulta sa tatlong arestado at pagkakadiskubre ng 85,150 marijuana plants. Sa Pangasinan, 18 operasyon ang nagresulta sa 58.66 gramo ng shabu at 20 na arestado, habang sa La Union, tatlong suspek ang naaresto sa tatlong operasyon.

Ani PRO-1 Director Brig. Gen. Dindo Reyes, pinatutunayan ng malalaking dami ng nasamsam na droga ang kanilang dedikasyon na wakasan ang banta ng ilegal na droga sa rehiyon at patuloy nilang ipatutupad ang batas laban sa mga kriminal na grupo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here