Home METRO 370 bagong pulis inirekrut ng PRO-1

370 bagong pulis inirekrut ng PRO-1

238
0

ILOCOS, Philippines – Magkakaroon ng karagdagang 370 na personnel ang Police Regional Office (PRO) 1 sa Ilocos matapos makumpleto ng bagong batch ang kanilang pagsasanay.

Ayon kay Maj. Divina Albino, pinuno ng PRO-1 Information Office, nagsimula ang bagong batch ng kanilang anim na buwang Public Safety Basic Recruit Course sa Regional Training Center sa Aringay, La Union, matapos ang kanilang oathtaking noong Disyembre 17 ngayong taon.

Kasama sa pagsasanay ang taktikal na aktibidad at iba pang paksa tungkol sa pulisya, kabilang ang tamang paggamit ng armas.

Matapos nito, susundan ito ng anim na buwang Public Safety Field Training Program, isang on-the-job training sa iba’t ibang police stations sa rehiyon.

Ayon kay Albino, kahit habang nagta-train, makakatanggap na sila ng PHP29,668 na base pay kada buwan.

Napili ang 370 recruits mula sa 2,418 na aplikante. Sa bilang na ito, 350 ang napili (285 lalaki, 65 babae) mula sa Attrition Recruitment Program, habang 14 lalaki at 6 babae ang pumasa mula sa 108 aplikante ng Regular Recruitment Program. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here