Home NATIONWIDE 2 sundalo patay, 3 sugatan sa pagsabog ng landmine ng NPA sa...

2 sundalo patay, 3 sugatan sa pagsabog ng landmine ng NPA sa CamSur

266
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang tatlo iba pa sa pagsabog ng mga landmine na inilagay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Balatan, Camarines Sur.

Ayon sa Facebook reel nitong Sabado, Disyembre 20 ng Philippine Army 9th Infantry Division (ID), ang insidente ay nangyari sa Barangay Cabungan noong Biyernes.

Mga sundalo rin ang mga sugatang biktima.

Inilarawan ng 9th ID ang insidente bilang pag-atake sa pwersa ng pamahalaan sa paggamit ng anti-personnel mines na paglabag umano sa International Humanitarian Law.

Siniguro naman ng militar na magpapatuloy ang security operations sa Bicol Region kasunod ng pangyayari. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here