Manila, Philippines – Si direk Daryll Yap actually ang nakapansin sa Bulgari necklace na suot ng pet dog ni Heart Evangelista na si Panda.
Pamilyar daw kasi ang itsura nito which reminds the film director of the same necklace (o baka kapareho lang) worn by Pia Wurtzbach.
Sa mundo ng social media, maituturing ngang big deal ang anumang bagay associated with Heart and Pia to the point na nag-aaway-away ang kanilang mga fans.
Kung sina Heart at Pia mismo’y walang isyu, it’s their social media followers to make a big fuss out of it.
At dahil ang millions-worth Bulgari necklace ang latest issue sa kanila, nagpaliwanag na si Heart.
In fairness, ever since ay branded ang mga ipinagagamit niya sa kanyang mga fur babies.
Eh, kung mismong pangalan nila ng asawang si Senate President Chiz Escudero ang ginagamit ni Panda, mga bagay pa kaya?
What’s wrong with pampering these pet animals, even treating them like family?
Pag minaltrato naman ang mga ito, tiyak na may sasahihin din ang mga netizens.
Ultimo kumot na nga lang ng mga pet animals ni Heart Hermes ang tatak, ‘no!
Eh, sa ganoon magmahal ng mga alagang hayop si Heart, ano naman ang pakialam ng mga netizens?
Kaya nga lang, in hot water ngayon si Sen. Chiz dahil sa diumano’y mga contractor na campaign contributor daw niya. Ronnie Carrasco III