Manila, Philippines – “In a nice way” ang ginawang paglalaglag ni Gerald Anderson sa kanyang sariling ina.
Ang rebelasyon nga ng Kapamilya aktor ay balidasyon sa kasabihang “The apple does not fall far from the tree.”
Ayon kay Gerald, namana pala niya ang pagiging matulungin ng nanay niya.
Aminado siyang lumaki sa hirap, but their poverty didn’t stop his mom for helping those who are in need, or were in need noong mga panahong ‘yon.
Basta raw may lumapit na kapitbahay halimbawa sa kanila for some help, asahan nang to the rescue ang kanyang mother dear.
Umabot nga raw sa puntong nagbebenta ng gamit ang kanyang ina, na siyang ipinantutulong nito once sold.
Kaya naman pala noong nanalasa ang bagyong Carina noon ay hindi na nagdalawang-isip si Gerald na tulungan ang ilang residenteng na-trap sa bubong ng kanilang bahay sa taas ng tubig-baha.
Supposedly pala, that very moment ay ipa-park lang niya ang kanyang apat na motor para liwas ang mga ‘yon sa baha.
Siyang dating naman daw ng rescue team para rumesponde sa mga residente.
Napabalikwas daw si Gerald, thinking na pag nasira nga naman daw ang kanyang mga motor ay puwede niyang ipagawa ‘yon–hindi ang pinsalang inabot ng mga residente.
‘Yung act of heroism palang ‘yon ay inspired ng pagtulong noon ng kanyang ina.
Tuloy, dahil sa ipinamalas na kabayanihan ni Gerald ay marami ang nag-uudyok sa kanya na pumasok sa pulitika.
Shoo-in na raw ang aktor kung tatakbo itong Congressman sa kanilang lugar. Ronnie Carrasco III