Manila, Philippines – Namumutiktik ang pang-ookray kay John Lloyd Cruz ang comment section sa social media dahil sa suot nito sa piano recital ng anak na si Elias.
Present din sa event ang ina ni Elias na si Ellen Adarna.
Bagama’t pinuri ng mga netizens ang presensya ni Lloydie, napulaan naman ang kanyang kasuotan.
The inactive actor came in shorts–na kung ilarawan ng mga nag-comment ay “parang napadaan lang.”
Isang netizen parent naman ang nag-post na hindi kailangang magbihis nang pormal ang mga magulang ng bata, pero huwag naman daw dumalo na nang naka-shorts.
“Eh, si Ellen nga, mukhang pajama ang suot!” sabi ng isang netizen who also took note of Ellen’s outfit at the recital.
Gayunpaman, nagkakaisa ang mga netizens na ang mahalaga’y ang presensya ni John Lloyd at hindi ang kasuotan nito.
Validation din ‘yon ng pahayag ni Ellen na bilang ama ni Elias ay hinding-hindi mabubutasan si John Lloyd.
In fairness, kita ang kagalakan ni Elias seeing his proud parents at his piano recital. Ronnie Carrasco III