Home NATIONWIDE Mga naging aksyon ni Gomes maaaring humantong sa ethics complaint – solon

Mga naging aksyon ni Gomes maaaring humantong sa ethics complaint – solon

238
0

MANILA, Philippines – Maaaring humantong sa ethics complaint ang naging aksyon ni Leyte Rep. Richard Gomez kaugnay ng umano’y pananakit at panlalait niya kay Philippine Fencing Association (PFA) president Rene Gacuma, ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon nitong Biyernes, Disyembre 19.

Sa press briefing sa House of Representatives, sinabi ni Ridon na ang pananakit sa isang senior citizen, o kanino man, ay hindi inaasahang asal ng isang mambabatas at nakasisira umano sa dangal at reputasyon ng Kamara.

Ayon pa sa kanya, hindi gawain ng mga miyembro ng House ang “pagtapik o pananakit sa ulo ng kahit sino, lalo na ng isang nakatatanda.”

Si Gacuma, 68, ay nag-akusa noong Huwebes na siya ay “pisikal na inatake at binantaan” ni Gomez habang ginaganap ang 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.

Batay sa salaysay ni Gacuma, nagpakita umano ng galit at hinanakit si Gomez, 59, matapos malaman ang pagpapalit sa atletang si Alexa Larrazabal sa women’s épée event. Sinundan pa umano ito ng ilang pagbabanta laban sa kanya.

Dagdag ni Gacuma, patuloy siyang sinundan at tinakot ng kongresista, dahilan upang tumaas ang kanyang blood pressure sa 220/180.

Binanggit din niya na may pacemaker siya at survivor ng quadruple bypass surgery, ayon sa liham na ipinadala niya sa SEA Games chef de mission na si Raul Canlas.

Sa panig naman ni Gomez, hindi niya itinanggi ang kanyang inilarawang “ungentlemanly deeds” laban kay Gacuma.

Gayunman, iginiit niya na umaasa siyang hindi rin itatanggi ni Gacuma na naging hindi makatarungan at nakapinsala ang desisyon ng PFA na huwag payagang makalaban si Larrazabal para sa Pilipinas sa naturang event. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here