Home NATIONWIDE Expanded zero balance billing target sa mga health worker

Expanded zero balance billing target sa mga health worker

242
0

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na palawakin ang saklaw ng zero balance billing upang maisama ang mga semi-private room para sa mga barangay health worker (BHW).

Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, ang plano ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin pa ang saklaw ng programa sa buong bansa.

“Parte ng suhestyon ni Secretary of Health ay para sa mga BHW na ma-admit sa semi-private ward ng mga ospital ng DOH nang walang babayaran,” pahayag ng DOH nitong Sabado.

Sa ilalim ng zero balance billing policy, hindi na kailangang magbayad ng mga pasyente sa mga ospital ng DOH para sa serbisyong medikal, mga gamot, at professional fees ng mga doktor.

Noong Setyembre, iniulat ng DOH na tumaas ang daily average admissions sa mga ospital ng ahensya mula 3,297 patungong 4,067 mula nang ipatupad ang nasabing polisiya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here