MANILA, Philippines – Walang nanalo sa jackpot ng Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 nitong Linggo ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa Ultra Lotto 6/58, lumabas ang kombinasyong 08-42-51-14-17-49, ngunit walang nakakuha sa lahat ng anim na numero para makuha ang ₱49.5 milyon na jackpot.
Sa Super Lotto 6/49 naman, ang mga numerong 24-49-06-21-04-33 ang lumabas. Walang nanalo ng ₱65.55 milyon na top prize, ayon sa PCSO. RNT/MND