Home METRO Higit 6,500 senior citizens, inirehistro sa Nat’l ID house-to-house drive sa Iloilo

Higit 6,500 senior citizens, inirehistro sa Nat’l ID house-to-house drive sa Iloilo

265
0

ILOILO CITY, Philippines – Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may 6,597 senior citizens sa Iloilo ang nairehistro sa pamamagitan ng house-to-house registration mula Oktubre 1 hanggang kalagitnaan ng Disyembre ngayong taon.

Ayon kay Iloilo Supervising Statistical Specialist Jerry Dolutan, patuloy ang PSA Iloilo sa National ID mobile house-to-house registration upang masigurong hindi mapag-iiwanan ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na nahihirapan pumunta sa mga registration center.

Sinabi niya na mas pinapalawak nila ang abot, lalo na sa matatanda at PWDs, at ipinaaalam ang benepisyo ng National ID system.

May anim na mobile registration teams ang PSA Iloilo at dalawang teams sa registration centers sa opisina at SM City Iloilo.
“Ang mobile registration, kasama ang house-to-house, ay tuloy-tuloy hanggang Disyembre 22. Pero ang registration centers sa PSA Office at SM City Iloilo ay magpapatuloy hanggang Disyembre 29,” ani Dolutan.

Target nila na makapagrehistro ng hindi bababa sa 280 katao kada araw.

Kabilang sa mga nairehistro sa house-to-house campaign ay si Jovita Aranga, isang 110 taong gulang na residente ng Barangay Ilongbukid, San Rafael. Noong Disyembre 12, binisita siya ng isang team sa kanyang tahanan.

“Dahil naranasan niya ang mga henerasyon na gumagamit ng typewritten at handwritten IDs, ang registration ni Aranga ay simbolo ng paglipat sa isang secure, digital, at unified National ID System,” dagdag ni Dolutan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here