Home METRO Electrician, utas sa sunog sa Laguna

Electrician, utas sa sunog sa Laguna

276
0

LAGUNA, Philippines – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang electrician, matapos masunog ang tinutuluyan nitong barong-barong kahapon sa Sitio Southridge Barangay San Antonio sa lunsod ng San Pedro, Laguna.

Kinilala ang biktima sa alyas na Bernardo 58, may-asawa, electrician, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Base sa report ng San Pedro City Police Station naganap ang sunog ng dakong ala-1:30 ng madaling araw kung saan ang nasawing biktima ay bangkay na nang matagpuan sa loob ng barong-barong nito.

Nabatid sa ulat na idineklarang fire out ng alas-2:52 ng madaling-araw ang sunog, inaalam pa ang pinagmulan ng sunog sa naturang bahay ng biktima. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here