Home IN PHOTOS Bagong emergency room ng Ospital ng Sampaloc sa Maynila, pinasinayaan

Bagong emergency room ng Ospital ng Sampaloc sa Maynila, pinasinayaan

394
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pagpapasinaya ng bagong gawang emergency room ng Ospital ng Sampaloc nitong Lunes ng umaga.

Ayon kay Domagoso, ang naturang proyekto na ipinangako niyang matatapos sa loob lang ng 90-araw, ay sumasalamin sa kanyang “Bilis-Kilos” na uri ng paglilingkod at ang mabilis na pagkukumpuni sa emergency room ay tugon sa pagpapabuti ng serbisyong pang-kalusugan para sa Manileños.

“I told you 90 days. I committed it to the people of Sampaloc. Basta bigyan niyo lang ako ng 90 days. But I’m happy, natapos agad bago mag-90 days,” ani Yorme.

“Saan ka nakakita ng emergency room, check, merong falls (dahil may tulo). Literal. Naawa nga ako dun sa isang binatilyo, hindi niya maiwan yung nanay niya sa tabi mismo ng hospital bed, may tabo. And we are the Capital of the country, we are the City of Manila,” pahayag pa ng alkalde.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na noong araw ay nakakatakot pumasok sa public hospital dahil madilim at sa paningin ng pasyente ay lalung dumidilim ang buhay niya pero ngayon aniya, pagpasok pa lang sa emergency room ng Ospital ng Sampaloc nabubuhayan na agad ng loob ang mga pasyente.

Masisilayan sa bagong gawang ER ng Ospital ng Sampaloc ang treatment areas, nurse stations, minor operating rooms, modernong mga kama, may nakalagay ng oxygen system, pharmacy window at restrooms.

“I hope this type of facility, especially to our employees, will give you a certain level of better working environment, at the very least,” ayon pa sa alkalde. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here