Home NATIONWIDE Higit 344K college students, learners at magulang nakinabang sa DSWD tutoring program

Higit 344K college students, learners at magulang nakinabang sa DSWD tutoring program

262
0

MANILA, Philippines – Umabot sa humigit-kumulang 344,998 college students, mag-aaral at mga magulang ang nakinabang sa “Tara, Basa! Tutoring Program” (TBTP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula nang ilunsad ito noong Agosto 2023.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay ng Innovations and Program Development Group (IPDG), kabilang sa mga benepisyaryo ang mga college student mula sa mahihirap na pamilya, mga mag-aaral sa elementarya na hirap o hindi pa marunong bumasa, at ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga.

“This figure reflects the DSWD and President Ferdinand R. Marcos Jr.’s commitment to ensuring that all sectors, from children, youth, to parents, will not be left behind in development while also providing cash assistance in exchange for the work or tasks they do in the program,” pahayag ni Punay.

Mula 2023 hanggang 2025, may kabuuang 34,981 na second hanggang fourth year college students mula sa low-income families at naka-enroll sa state universities and colleges (SUCs) at mga pamantasang pinatatakbo ng lokal na pamahalaan ang naitalaga bilang tutors at youth development workers (YDWs) sa ilalim ng TBTP.

Ang TBTP ay isang binagong educational assistance initiative na naglalayong palakasin ang holistikong pagkatuto sa pamamagitan ng paglahok ng mga college students bilang tutors ng mga mag-aaral na nahihirapang bumasa.

Kapalit ng 20 araw na tutorial service para sa mga mag-aaral sa elementarya at kanilang mga magulang, tumatanggap ang mga tutors at YDWs ng cash-for-work (CFW) assistance batay sa umiiral na regional wage rate.

Ngayong 2025 lamang, umabot na sa 128,568 tutors, YDWs, grade school students at mga magulang ang nakinabang sa programa.

Sinabi ni Punay, na siyang national program director ng TBTP, na kasalukuyang ipinatutupad ang Tara, Basa! sa mga rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN, Caraga, National Capital Region (NCR), at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Samantala, sinabi ni Deputy Program Manager Elma Salamat na nakipag-partner ang DSWD sa mga local government units (LGUs), akademya, at development sector upang mapalawak pa ang saklaw ng programa.

“Mayroon tayong nilagdaan na 110 memoranda of agreement ngayong taon upang maipatupad ang Tara, Basa! sa iba’t ibang munisipalidad at organisasyon, at maabot ang mga kabataang nasa geographically isolated and disadvantaged areas, urban poor communities, at mga madrasah,” ayon kay Salamat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here