ILOCOS SUR- Kamatayan ang sumalubong sa dalawang lalaki matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa likuran ng isang cargo truck sa national highway sa Brgy. Dardarat, Tagudin ng lalawigang ito nitong Linggo, Disyembre 21.
Ayon sa Tagudin MPS, ang mga nasawi ay ang 30-anyos na driver ng Rusi 150x motorcycle at 35-anyos na angkas nito, parehong may-asawa at residente ng Tagudin, Ilocos Sur.
Ang Isuzu Cargo Truck Dropside ay minamaneho ng 53-anyos na lalaki, walang asawa, residente ng Vintar, Ilocos Norte.
Parehong bumibiyahe papuntang hilagang direksyon ang cargo truck at ang motorsiklo.
Pagsapit sa pinangyarihan ng insidente, ang motorsiklo na mabilis umano ang takbo ay biglang sumalpok sa rear portion ng cargo truck.
Tumilapon sa kalsada ang driver ng motorsiklo at angkas nito.
Parehong nagtamo ng head injury at body injuries ang driver at angkas nito.
Agad na isinugod sa ospital ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso