Home NATIONWIDE Walang holiday furlough kay Curlee Discaya, 3 ex-DPWH engineers na naka-detain sa...

Walang holiday furlough kay Curlee Discaya, 3 ex-DPWH engineers na naka-detain sa Senado — Lacson

294
0

MANILA, Philippines — Hindi pagbibigyan ng holiday furlough si contractor Pacifico “Curlee” Discaya II at tatlong dating Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers na kasalukuyang naka-detain sa Senado kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa umano’y anomalous flood control projects.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes, inaprubahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang kanyang rekomendasyon na tanggihan ang kahilingan para sa Christmas furlough nina Discaya at dating DPWH engineers na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at Henry Alcantara.

“I recommended to the Senate President that their request for Christmas furlough be denied mainly for security reasons,” pahayag ni Lacson, na siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Aniya, tumitindi ang panganib ng pagtakas lalo’t may pahayag na ang Ombudsman at ang Pangulo na maaaring mailabas ang mga warrant of arrest bago mag-Pasko.

Dagdag pa ni Lacson, wala ring saysay ang pagbibigay ng Christmas leave kung inaasahang ilalabas na ang mga warrant sa parehong panahon.

Pinahihintulutan lamang umano ang apat na dumalo sa misa sa loob ng Senado at tumanggap ng bisita mula sa kanilang pamilya sa mismong premises sa panahon ng holidays.

“Hanggang doon lamang ang maaari naming ipagkaloob batay sa umiiral na sitwasyon,” ayon kay Lacson.

Si Discaya ay sinita ng contempt ng Blue Ribbon Committee dahil sa umano’y pagsisinungaling kaugnay ng pagliban ng kanyang asawa na si Sarah Discaya sa isang pagdinig noong Setyembre 18.

Nauna nang sinita sa contempt si Hernandez noong Setyembre 8, habang sina Alcantara at Mendoza ay noong Setyembre 18 din. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here