Home HOME BANNER STORY DOH, nagbabala sa drunk driving, panganib ng paputok ngayong Pasko

DOH, nagbabala sa drunk driving, panganib ng paputok ngayong Pasko

264
0

MANILA, Philippines – Habang tumataas ang holiday travel at selebrasyon, nagbabala ang Department of Health (DOH) sa mga motorista na iwasan ang pag-inom ng alak at tiyaking sapat ang pahinga bago magmaneho.

Ayon sa DOH, mahigit 11,000 ang nasugatan sa road crashes mula Disyembre 2024 hanggang Enero 2025, halos doble kumpara sa nakaraang buwan. Kabilang dito, 1,173 ang iniuulat na naka-inom ng alak, na nagpapakita na malaking salik ang drunk driving.

Pinayuhan ng DOH: “Don’t drink and rest before driving, especially if you have a long way to go.” Dagdag pa nila, tumataas rin ang panganib sa mga motorsiklo at sa hindi pagsusuot ng helmet o seatbelt.

Pinaalalahanan din ang publiko tungkol sa mga firecracker, na maaaring magdulot ng paso, pinsala sa katawan, at problema sa baga, lalo na sa bata at matanda.

Upang maging handa sa holiday emergencies, inilagay ang health facilities sa Code White mula Disyembre 16, 2025 hanggang Enero 4, 2026. Pinapayuhan ang publiko na magdiwang ng responsable upang hindi ma-overwhelm ang mga frontliners. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here