Home METRO Babaeng nakabalot sa plastic, natagpuang patay sa Gamu, Isabela

Babaeng nakabalot sa plastic, natagpuang patay sa Gamu, Isabela

275
0

MANILA, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng 31-anyos na babae na nakabalot sa pulang plastic sa gilid ng Gamu-Roxas Road sa Barangay Linglingay, Gamu, Isabela noong Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, isang napadaan sa lugar ang nakakita sa bangkay at nag-report sa awtoridad. Hindi pa ibinubunyag ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nagpaalam ang biktima sa kanyang asawa na may pupuntahan noong Biyernes ngunit hindi na nakauwi.

Bumuo ang pulisya ng special investigation task force upang tutukan ang kaso. Mayroon nang person of interest, ngunit hindi pa inilalabas ang karagdagang detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nanawagan ang pamilya ng biktima ng hustisya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here