MANILA, Philippines – Nasa 12 ang sugatan matapos na bumigay ang isang rides sa peryahan sa San Jacinto, Pangasinan.
Sa ulat, dinala ang mga biktima sa ospital kasabay ng pagresponde ng pulisya sa insidente.
Ayon sa imbestigasyon, 30 ang sakay ng naturang amusement ride nang bumigay ang welding ng naturang rides.
Hindi naman inasahan ng isa sa mga pasahero na nagtatrabaho rin sa amusement park, na bibigay ang rides dahil sumailalim umano ito sa inspeksyon bago buksan.
Nangako naman ng pinansyal na tulong ang ride operator sa mga biktima.
Sinuspinde muna ang operasyon ng peryahan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/JGC