Bulacan – Arestado ang isang 41 anyos na lalaking armado ng baril at umanoy nanakit ng dalawang anak sa bayan ng Bulakan nitong hapon ng Disyembre 25.
Sa ulat ni PLTCOL Rodelisa P. San Buenaventura, hepe ng Bulakan police station, kinilala ang suspek na si alyas “Berto”, mekaniko, residente ng Brgy. Bagumbayan.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng ulat mula sa nasabing barangay na may lalaking armado ng baril at umanoy nanakit sa kanyang dalawang anak.
Dahil dito, rumesponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa makita ang suspek na may dalang baril kaya agad itong inaresto.
Nabatid na nakumpiska sa suspek ang cal. .38 revolver na may isang bala at improvised firearm o pen gun na may isang ng 9mm live ammunition.
Nahaharap ang suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng istasyon. Dick Mirasol III