Home NATIONWIDE 4 biktima nasagip sa cybersex den sa Calauag, Quezon

4 biktima nasagip sa cybersex den sa Calauag, Quezon

244
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang apat na biktima mula sa isang cybersex den sa Calauag, Quezon.

Natagpuan ng mga tauhan ng PNP-ACG ang isang biktima na nakasuot lamang ng lingerie sa harap ng isang computer.

“During the raid, the implementation ng ating warrant, naaktuhan nila na mayroong online activities na ginagawa [ang biktima] sa area, so possibly they are performing online sexual exhibition,” pahayag ni ACG Acting Director Police Brigadier General Wilson Asueta sa panayam ng GMA News.

Sinabi ng pulisya na karamihan sa mga biktima ay lalaki ngunit walang naabutan sa naturang raid.

Mga dayuhan ang regular na customer ng cybersex den.

Nahuli naman ng mga awtoridad ang mag-asawa na sangkot sa operasyon nito na dati ring performers.

“Mayroon din silang handler before, but dahil di sila satisfied sa kanilang pasahod, nagkaroon din sila ng sariling online sex den,” dagdag pa.

Ang mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Calauag Police ay mahaharap sa reklamong paglabag sa Anti-Trafficking In Persons Act in relation to the Cybercrime Prevention Act of 2012. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here