ILOCOS SUR-Isinugod sa ospital ang isang 72-anyos na lalaki matapos masabugan ng paputok ang mga kamay nito sa bayan ng Magsingal ng lalawigang ito kagabi, Disyembre 26.
Naglalakad sa barangay road ang biktima pauwi sa kanilang bahay nang makakita ito ng hindi pumutok na ‘whistle bomb.’
Pinulot ng matanda ang ‘whistle bomb’ at nang hawak-hawak na niya ito ay biglang sumabog ang naturang paputok.
Dahil dito ay nagtamo ng minor blast injury sa magkabilang kamay ang matanda na agad isinugod sa Ilocos Sur District-Hospital sa naturang bayan. Rolando S. Gamoso