Home TOP STORIES M6.6 lindol tumama sa Taiwan

M6.6 lindol tumama sa Taiwan

297
0

TAIPEI, Taiwan – Isang magnitude 6.6 na lindol ang tumama sa karagatan sa hilagang-silangang baybayin ng Taiwan noong Sabado, ayon sa US Geological Survey (USGS).

Wala namang agarang ulat ng nasawi o pinsala.

Ayon sa weather service ng Taiwan, naitala ang lindol sa magnitude 7.0 at naganap alas-11:05 ng gabi (1505 GMT).

Ang epicenter ay nasa dagat sa tapat ng Yilan county, timog-kanluran ng Taipei, na may lalim na 73 kilometro.

Ito ang ikalawang malakas na lindol na tumama sa Taiwan ngayong linggo, matapos ang magnitude 6.0 na lindol noong Miyerkules.

Iniulat ng lokal na media na umuga ang mga gusali sa kabiserang Taipei at naramdaman ang lindol sa iba’t ibang bahagi ng Taiwan.

Madalas makaranas ng lindol ang Taiwan dahil nasa gilid ito ng dalawang tectonic plates malapit sa Pacific Ring of Fire, na itinuturing ng USGS bilang pinaka-aktibong seismic zone sa mundo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here