Home NATIONWIDE ‘Propaganda-driven’ tulong ng China sa Pinoy mangingisda sa WPS, pinabulaanan ng embahada

‘Propaganda-driven’ tulong ng China sa Pinoy mangingisda sa WPS, pinabulaanan ng embahada

265
0

MANILA, Philippines – Binale-wala ng embahada ng China sa Maynila ang mga batikos matapos itong mag-alok ng tulong sa mga mangingisdang Pilipino na naabala sa West Philippine Sea noong Sabado, Disyembre 27.

Ayon sa embahada sa isang Facebook post, “When you come across fishermen in trouble at sea, helping them is simply the first thing to do — no matter who they are or where they are from.” Dagdag pa nito, “We believe the Philippines would do the same. There’s no need to read too much into it.”

Ang pahayag ay kasunod ng batikos ng ATIN ITO, isang civilian-led coalition na naghahatid ng suplay sa mga sundalong Pilipino sa West Philippine Sea. Tinawag ng grupo ang ginawang tulong ng Chinese troops bilang “a propaganda-driven assistance.” Ayon kay co-convenor Rafaela David, kinikilala nila ang tungkulin na tumulong sa mga nasa panganib sa dagat, ngunit ang ginawa ng China ay “was not humanitarianism” kundi “image management.”

Kinuwestiyon din ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Jay Tarriela ang presensya ng China sa lugar. Ayon sa kanya, ang barko ay “had no legitimate reason to operate within the Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ).” Sinabi rin niya na ang lokasyon ng insidente sa coordinates na 14°33.470’N, 118°52.120’E, humigit-kumulang 71 nautical miles kanluran ng Silanguin Island, Zambales, ay “falls well within Philippine’ EEZ.”

Sa kabila nito, iginiit ng China ang mabuting layunin nito at sinabi, “Kapag nangangailangan ng tulong ang mga mangingisda, tiyak na tutulong ang bawat bansa at bawat indibiduwal. Naniniwala kami na ganoon din ang gagawin ng Pilipinas, kaya huwag labis na ipag-alala.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here