MANILA, Philippines – Isang lalaki ang dinakip ng railway security matapos tumalon sa riles ng MRT-3 sa Ortigas Station noong Biyernes bandang alas-1:05 ng hapon.
Ayon sa MRT-3 Safety and Security Unit (SSU), bumili ang lalaki ng northbound ticket ngunit pagdating sa platform ay bigla siyang tumakbo at tumalon sa riles.
Pagkatapos nito, tumakbo siya sa northbound track patungong Shaw Boulevard Station.
Nang makarating sa may isang mall, umakyat umano siya sa bagong tayong footbridge kung saan siya inaresto dahil sa unauthorized entry.
Dinala ang suspek sa Wack-Wack Police Station 3 at kinasuhan ng alarm and scandal at resisting arrest.
Nagpaalala naman ang pamunuan ng MRT-3 sa publiko: “The MRT-3 Management strongly reminds the public that entering the tracks and other restricted areas is strictly prohibited, as these may endanger not only the individual but also the safety of passengers and our train operations.” RNT/MND