Home METRO 2 HVI timbog sa P1-M tobats sa NE

2 HVI timbog sa P1-M tobats sa NE

196
0

NUEVA ECIJA, Philippines – Kalaboso ang dalawang drug suspek na pawang mga High Value Individual (HVI) at masamsam sa mga suspek ang nasa higit P1 Milyon halaga ng hinihinalang shabu at isang improvised na baril sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Tampac, Guimba.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio PeƱones Jr.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na isang 42 at 26 anyos na lalaki na pawang mga taga-Bulacan.

Nadakip ang mga suspek matapos umanong maaktuhang magkakasabwat na nagbenta ng shabu sa undercover police.

Narekober sa mga suspek ang nasa 155 grams ng suspected shabu na may standard drug price ng P1,054,000, marked money na ginamit sa buybust at isang improvised handgun at dalawang (2) bala ng kalibre 45 na baril.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Dangerous Drug Law at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here