MANILA, Philippines – Naghain si 1Tahanan Partylist Rep. Nathan Oducado ng dalawang panukalang batas sa House of Representatives para protektahan ang mga pamilyang Pilipino laban sa “predatory loans” at debt traps.
Ang House Bill (HB) 6980 o Credit Cards and Loans Penalties and Surcharges Regulation Act ay naglalayong magtatag ng uniform rules sa kabuuang gastos ng kredito at obligahin ang mga bangko at lending institutions na magbigay ng malinaw na disclosure. Layunin nito na bigyan ng legal remedies ang mga borrowers laban sa hindi makatarungang singil. Ayon kay Oducado, “Current Bangko Sentral ng Pilipinas safeguards apply only to loans of P10,000 or less… this leaves larger personal and business loans without comprehensive limits, allowing a P50,000 loan to potentially grow to P120,000 within two years due to interest and penalties.”
Samantala, ang HB 6968 o Strengthening Access to Credit for Micro and Small Businesses Act of 2025 ay nagtataguyod ng sustainable financing para sa MSMEs sa pamamagitan ng Pondo Para sa Pagbabago Program. Layunin nitong magbigay ng mas mababang interes at alternatibo sa informal lenders tulad ng “5-6” money lending system.
Ani Oducado, “This bill is not anti-lending. It is pro-fairness. It ensures transparency, protects borrowers from abusive charges, and supports small businesses and families so they can grow instead of being trapped in debt.”
Ayon sa kanya, higit 60% ng mga pamilyang Pilipino ay nahihirapang balansehin ang pang-araw-araw na gastusin at pagbabayad ng utang, habang umabot sa P3.18 trillion ang household at consumer loans sa unang bahagi ng 2025, at P560 bilyon ang credit card receivables. RNT/MND