Home NATIONWIDE P1.22-M ilegal paputok nakumpiska ng PNP

P1.22-M ilegal paputok nakumpiska ng PNP

230
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine National Police (PNP), nakumpiska ang 79,953 na illegal firecrackers at pyrotechnic devices na nagkakahalaga ng P1.22 milyon hanggang alas-7 ng umaga nitong Linggo.

Sa hiwalay na pahayag, iniulat ng PNP na sa ilalim ng Ligtas Paskuhan operations, 23 katao ang naaresto sa buong bansa dahil sa paglabag sa Republic Act No. 7183, na nagreregula sa firecrackers at pyrotechnic devices, hanggang alas-7 ng gabi nitong Sabado.

Sa rehiyon ng Ilocos, winasak ng Police Regional Office 1 ang 10,906 illegal firecrackers, pyrotechnics, at improvised cannons (“boga”) na nakuha sa kanilang operasyon sa panahon ng holiday.

“The confiscated items were first soaked in water provided by the Bureau of Fire Protection before formal destruction, rendering them unusable and preventing accidental explosions,” paliwanag ng PNP.

Tatlong indibidwal ang naaresto sa Dagupan City, Pangasinan, dahil sa umano’y pagbebenta ng illegal firecrackers. Isa ay nahuli sa Barangay Bonuan Binloc sa online transaction gamit ang GCash, kung saan nakumpiska ang high-powered “dark bombs” at dynamite-type firecrackers.

Dalawa pang suspek ang naaresto sa Barangay Bacayao Norte habang nagbebenta ng bundles ng “kwitis” at nakumpiska ang mga raw materials at kemikal para sa paggawa ng illegal firecrackers.

Samantala, isang 28-anyos na lalaking vendor ang naaresto sa harap ng Divisoria Mall sa Binondo, Manila, matapos magbenta sa undercover operative.

Nakumpiska sa kanya ang iba’t ibang uri ng illegal firecrackers tulad ng pla-pla, tuna special, kabise special, piccolo/leopard king, 1,000-round firecrackers, at kangkong firecrackers.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulis para sa inquest proceedings. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here