Home NATIONWIDE PCG nagbabala sa posibleng debris sa rocket launch ng China

PCG nagbabala sa posibleng debris sa rocket launch ng China

214
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) District North Eastern Luzon ang mga mangingisda sa ilang bahagi ng katubigan ng Pilipinas kaugnay sa nakatakdang aktibidad ng People’s Republic of China.

Ayon sa PCG, magpapakawala ang China ng Long March 7A rocket sa Wenchang, Hainan sa Miyerkules, Disyembre 31 sa pagitan ng 6:32 hanggang 7:14 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Ito ay inaasahang babagsak 45 nautical miles sa Burgos, Ilocos Norte at 67 nautical miles sa Dalupiri Island Cagayan.

Gayundin naman sa 64 nautical miles mula Santa Ana, Cagayan at 76 nautical miles sa Camiguin Norte.

Dahil naman sa inaasahang pagbagsak ng mga rocket debris ay pinayuhan ang mga mangingisda, vessel crew, at iba pang mga maritime stakeholders na iwasan ang mga nabanggit na lugar at paigtingin ang pag-iingat.

Kaugnay niyan ay pinayuhan din ang publiko na huwag lapitan o hawakan ang makikitang mga debris at sakaling may makitang lumulutang na kakaibang bagay ay agad na ireport sa pinakamalapit na Coast Guard unit o sa lokal na pamahalaan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here