Home NATIONWIDE 1 patay, 5 sugatan sa pagtalon ng SUV sa bangin sa Mountain...

1 patay, 5 sugatan sa pagtalon ng SUV sa bangin sa Mountain Province

262
0

MANILA, Philippines – Patay ang 53-anyos na babae habang sugatan ang lima iba pang pasahero ng Mitsubishi Montero na bumulusok sa 20 metrong lalim na bangin sa Bontoc–Mainit provincial road sa Sitio Aratey, Guina-ang, Bontoc, Mountain Province, nitong Linggo ng gabi, Disyembre 28.

Kinilala ang nasawi na si Cherylina Geston Dalilis, drayber at residente ng Sitio Bayabas, Pico, La Trinidad, Benguet.

Natagpuan ng mga rumesponde ang biktima sa gilid ng wasak na sasakyan at idineklarang dead on the spot dahil sa pinsala sa ulo.

Ang mga sugatang pasahero naman ay kinilalang sina Eunice Geston-Andaya, Eunark Geston Andaya, Destiny Geston Dalilis, Cleijter Geston Andaya, at Ken Shane Kewan.

Dinala sila sa Bontoc General Hospital. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here