Home NATIONWIDE Ilang kalsada sarado kahit sa mga deboto sa pista ng Nazareno

Ilang kalsada sarado kahit sa mga deboto sa pista ng Nazareno

275
0

MANILA, Philippines – Isasara ang ilang kalsada sa mga deboto sa pista ng Nazareno.

Ayon kay Alex Irasga, adviser ng Nazareno 2026, ito ay para may madaanan ang mga ambulansya sa oras ng emergency.

Kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon ay sarado kahit sa mga tao ang Roxas Blvd, Padre Burgos, Independence at Katigbak Drive.

Isasara rin ang Burgos intersection Roxas at Padre Burgos.

Ibig-sabihin, ang maaaring daanan ay ang Taft at Kalaw papuntang Quirino Grandstand.

Maaari namang dumaan sa MC Arthur o Jones Bridge para makarating sa Taft Ave. ang mga manggagaling sa Tondo.

Kung galing naman sa Quezon City at Makati maaaring dumaan sa Nagtahan at Quezon bridge.

Paliwanag ni Irasga, ang pagsasara ng ilang kalsada ay para malibre o maluwagan sa tao ang Ayala Blvd, Ayala bridge, Palanca, P. Casal para mapwestuhan ng emergency medical response.

Samantala, sa pagdaan ng prusisyon sa Ayala bridge, unang makakadaan ang andas ng Jesus Nazareno at kapag lumagpas na sa tulay ang Nazareno ay tsaka palang maaaring dumaan ang tao.

Maglalabas naman ng abiso at gabay ang pamunuan ng simbahan para sa nasabing pagbabago.

Maglalagay din sila ng mga karatula sa mga isasarang kalsada at may mga dineploy na tao na tutulong sa mga taong magtatanong ng direksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here