Home NATIONWIDE Dizon pumalag sa mga malisyosong pahayag ni Leviste

Dizon pumalag sa mga malisyosong pahayag ni Leviste

233
0

MANILA, Philippines – Pumalag si Public Works and Highways Sec. Vince Dizon sa mga malisyosong mga pahayag at paratang ni Batangas Rep Leandro Leviste.

Kaugnay ito sa inihayag ni Leviste na sangkot din umano si Dizon sa insertions o pagsingit ng pondo sa flood control projects ng BCDA o bases Conversion and Development Authority.

Sa inilabas na pahayag ni Dizon, mismong BCDA na pinamunuan nito noon ang nag-isyu na ng malinaw na statement na itinatanggi ang pagkakaroon ng proyekto kontra baha na pinondohan gamit ang budget insertions.

Iginiit pa ng kalihim na walang batayan at kasinungalingan ang umano’y paggamit ng allocables para sa flood control sa BCDA.

Sinabing walang flood control projects ang pinondohan sa pamamagitan ng budget insertions, allocable funds o iba pang pamamaraan.

Dagdag pa ni Dizon, kaduda-duda ang timing ng alegasyon ni Leviste kasunod na rin ng paglutang ng ilang tauhan ng DPWH na nag-aakusa sa kongresista na puwersahan niyang kinuha ang tinawag na Cabral files o mga dokumento ng nasawing si dating Usec. Maria Catalina Cabral. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here