Home NATIONWIDE Pagsuporta sa kalidad ng buhay ng Pinoy ipinangako ng DSWD

Pagsuporta sa kalidad ng buhay ng Pinoy ipinangako ng DSWD

304
0

MANILA, Philippines – Sa pagsisimula ng taong 2026, muling tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suporta nito sa layunin ng administrasyong Marcos na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino.

“We remain committed to strengthening social protection programs, expanding poverty alleviation services, and enhancing community resilience to ensure improved well-being for all Filipino families,” pahayag ni Assistant Secretary Irene Dumlao noong Miyerkules.

Ang pahayag ay kasunod ng pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nagsabing 29 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing bumuti ang kanilang kalidad ng buhay, 36 porsiyento ang nagsabing lumala, at 34 porsiyento ang nagsabing nanatiling pareho.

Dahil dito, nakapagtala ang survey ng Net Gainers score na –7, na inuri ng SWS bilang “fair.” Ayon sa survey noong Nobyembre, ang pagbaba ay dulot ng paghina ng resulta sa karamihan ng mga rehiyon.

Pinakamataas ang naitalang Net Gainers score sa Mindanao na +2 (high), habang –7 (fair) naman sa Balance Luzon. Bumagsak naman sa “mediocre” ang Metro Manila at Visayas na may –12 at –14, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabila nito, sinabi ng SWS na 44 porsiyento ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ang umaasang gaganda pa ang kanilang kalidad ng buhay sa susunod na 12 buwan.

Bilang suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mas malinaw at makataong badyet, sinabi ni Dumlao na titiyakin ng buong DSWD, sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian, ang maayos at epektibong paggamit ng pondo ng bayan kapag nalagdaan na ang 2026 national budget.

Aniya, mahalaga ang kasalukuyang pagsusuri sa na-ratify na 2026 General Appropriations Act (GAA) upang matiyak ang wastong paggastos ng pondo ng publiko.

“The DSWD will support the Marcos Administration’s call to responsibly use the funds through prudent spending, execution of strong accountability measures, and implementation of social welfare and development programs that will help advance inclusive growth, protect the most vulnerable, and deliver meaningful improvements to the marginalized sector,” dagdag ni Dumlao.

Isinagawa ang SWS survey mula Nob. 24 hanggang 30 sa 1,200 na Pilipinong may edad 18 pataas, na may tig-300 respondents mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. Ayon sa SWS, ang sampling error ay ±3 porsiyento sa national level at ±6 porsiyento sa bawat rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here