Home METRO EcoWaste nanawagan ng waste-free Traslacion 2026

EcoWaste nanawagan ng waste-free Traslacion 2026

304
0

MANILA, Philippines – Sa pagsisimula ng Bagong Taon at papalapit na Pista ng Itim na Nazareno, nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga deboto na gawing waste-free ang Traslacion ngayong taon bilang paggunita sa Zero Waste Month.

Ani Ochie Tolentino, Zero Waste Campaigner ng EcoWaste, “Let our people’s profound faith in Nuestro Padre Jesus Nazareno inspire us to be better stewards of our planet, preventing and reducing waste and not littering—a punishable environmental offense—at all times, but most especially during the Traslacion, a faith-centered feast.”

Binigyang-diin niya na ang pagtatapon ng single-use plastics, food containers, bamboo sticks, natirang pagkain, cigarette butts, at vapes ay nakakasira sa kalikasan, nagdudulot ng pagbabara sa daluyan ng tubig, lumilikha ng tirahan ng insekto at daga, at nagdudulot ng mga problema sa kalusugan.

Idinagdag pa ni Tolentino na ang hindi kontroladong basura at maling pagtatapon sa landfill ay naglalabas ng greenhouse gases na nakakaapekto sa klima at mas malala para sa mahihirap at marginalized na komunidad.

Ayon sa datos ng Manila Department of Public Services (DPS), umiiwan ang Traslacion ng 468 metric tons ng basura noong Enero 6–10, 2024, at 382 metric tons noong Enero 8–10, 2025.

Napansin ng EcoWaste basura patrollers ang tila walang katapusang pagtatapon ng basura sa ruta mula Luneta hanggang Quiapo, karamihan ay plastic bottles, food containers, bamboo sticks, food waste, cigarette filters, at disposable vapes.

Pinaalalahanan ang mga deboto na sundin ang wastong pagtatapon ng basura ayon sa RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act). Maaaring pagmultahin ang lumalabag mula P300–P1,000, o magsagawa ng community service, o parehong parusa.

Ayon sa EcoWaste mainam na sundin ang tips para sa waste-free Traslacion 2026: “no littering, no smoking, no vaping” sa Rizal Park. Huwag magtapon ng basura labag sa RA 9003, Environment Code ng Manila, at MMDA Regulation No. 96-009. Iwasan ang paggamit ng single-use disposable plastic. Itapon nang maayos ang basura, ibalik sa pinanggalingan, o dalhin pauwi para sa tamang recycling o disposal. Huwag umiihi, dumumi, o umihi sa plastic bottles sa publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here